Hindi totoo ang mga kumakalat na buwelta ng batikang broadcast journalist na si Ben Tulfo laban sa social media personality at negosyanteng si Rendon Labador.

Ipinagtanggol umano ng CEO ng Bitag ang kaniyang kumpareng Kapuso comedian, direktor, at writer na si Michael V o sikat din sa taguring "Bitoy" laban sa mga patutsada ni Rendon.

Kumakalat ang pahayag umano ni Tulfo laban kay Labador sa iba't ibang social media pages, gaya ng "Kapuso Alliance Fanpage."

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Screengrab mula sa FB page na Kapuso Alliance Fanpage

Mababasa sa naturang social media page ang ganitong pahayag daw mula kay Tulfo, "Ako sa totoo lang, Rendon matagal-tagal na ako sa media bilang isang journalist, actually dati akong DJ marami na akong nakaaway at nakakabangga na pasaway na katulad mong makitid ang utak, gusto lang kita i-punching bag, eh pero si Bitag, matapang din ilabas mo 'yang tapang mo, boy huwag sa video humarap ka dito sa Bitag talagang malilintikan ka, lahat na lang ng mga sikat na influencers at media binabanatan mo, huwag ganun."

“Because your brain is small and their sucks, stop wasting your time and money, nag-aaksaya ka lang ng laway sana 'yang utak mo gamitin mo sa tamang paraan, hindi puro yabang lang ang dinadaan mo sa kabobohan mong video baka maiputan ka sa mukha mo na may putok sa buho."

Sabi pa raw ng BITAG host, dapat maghulos-dili si Rendon sa kaniyang mga pinagsasabi.

Sa kabilang banda, hindi maririnig o mapapanood sa alinmang BITAG Live o programa ni Tulfo na talagang binitiwan niya ang naturang mga pahayag.

Wala ring kahit na anong social media post si Tulfo tungkol dito.

Hindi rin nakapagsagawa ng direktang panayam face to face, video conference, o sa pamamagitan ng ipinadalang interview questions sa email man o social media accounts ang Balita kay Tulfo, o kahit na sinong miyembro ng BITAG Team upang malinawan ang isyung ito.

Ayon naman sa ipinadalang mensahe sa Balita ng nagpakilalang si Charmaine Mateo, Vice President for Legal and External Affairs ng BITAG Media Unlimited Inc., walang anumang ganitong pahayag si Tulfo laban kay Labador. Ang mga ipinakalat na ulat ng social media pages ay pawang fake news lamang.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/05/15/ben-tulfo-dinepensahan-si-bitoy-binigwasan-si-rendon-labador/