Halos 600 Pilipino ang naiuwi mula sa Sudan habang nang mga mamamayang naipit sa Cairo, sinabi ng isang opisyal ng foreign affairs.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega na may kabuuang 599 Filipino mula sa Sudan ang naibalik na sa Pilipinas habang 71 pang Pilipino ang nasa Port of Sudan, at inaasahang darating sa Maynila sa lalong madaling panahon.

"Wala na pong naiipit sa Cairo, kaya ang exit point ngayon ay iyong Port Sudan. At ngayon mayroon nang commercial flight, commercial vessels, dumadaan ng Jedah. Marami na diyan ang pauwi," ani De Vega sa isang panayam nitong Lunes, Mayo 15.

Ayon sa opisyal, isinasagawa na ang repatriation ng mga manggagawa habang hinihintay ang iba pang Pinoy na gustong umuwi.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

"[A]ng nakaalis, nakauwi na sa Pilipinas ay 599. Hindi lahat ng umalis ng Sudan tapos pumunta ng Pilipinas, may iba pumunta ng ibang lugar, pero 599 na po nakauwi tapos there will be additional in the next few days 'no, so. good naman iyan," aniya.

Dumating sa bansa noong Linggo ang 38 Pinoy, kabilang ang isang cancer patient.

Muling iginiit ni De Vega na ang mga displaced Filipino worker dahil sa sigalot sa Sudan ay tutulungan ng gobyerno.

Betheena Unite