Walang tumama ng jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Mayo 15.
Ang winning numbers para sa Grand Lotto ay 15 - 18 - 02 - 29 - 16 - 24 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P29,700,000.
Sinabi ng PCSO na 19 na mananaya ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000 habang 1,671 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,500.
Ang Grand Lotto ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, alas-9 ng gabi.
Samantala, ang lucky combination para sa Mega Lotto ay 14 - 08 - 38 - 05 - 25 - 35 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P8,910,000.
Limampu't isang mananaya ang tumama sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000 at 1,814 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong gantimpala na nagkakahalaga ng P1,000.
Ang Mega Lotto ay binbunot naman tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, ganap na 9 p.m.
Luisa Kabato