Muling sinariwa ni dating bise presidente at ngayo'y Angat Buhay chair Atty. Leni Robredo ang mga campaign stories kasama ang ilang personalidad na nagbigay ng suporta sa kaniya nitong nagdaang eleksyon.

"Kahit mahirap at maraming sakripisyo, hindi nila pinagkait ang kani-kanilang kakayahan kaya maslalong naging makulay at masaya ang ating naging kampanya. Salamat sa kanilang lahat."

Sinimulan ni Robredo ang pagbabalik-tanaw noong nakasama nito ang aktres na si Angel Locsin.

Pagbabahagi ni Robredo, natatandaan niyang may isang placard na ibinigay ang aktres na may nakasulat na "Ma'am Leni, sayo na ang bato!" Ito ay dahil minsan nang gumanap bilang "Darna" ang nasabing aktres sa isang fanta-serye.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Bukod sa pagiging aktres, tinitingala ni Robredo si Locsin dahil tunay na "compassion" nito sa mga Pilipino—mapa-kahit anong kalamidad ay nakikitang tumutulong.

Sunod naman na binalikan ni Robredo ay ang kuwento sa likod ng endorso ng TV host na si Vice Ganda.

Isang malaking sugal para sa host ang endorso nito para kay Robredo ngunit hindi ito nag-atubili na magbigay ng suporta noong tumatakbo itong presidente.

Hindi rin makakalimutan ni Robredo ang kampanya kasama ang mag-asawang sina Jolina Magdangal at Mark Escueta ng bandang Rivermaya.

Gayundin ang hindi makakalimutang personal na pagsuport ni Kris Aquino kahit pa ay nasa kalagitnaan ito ng pagpapagaling.

Malinaw pa rin sa isipan ni Robredo ang mga moment na nakasama nito ang nag-iisang "Diamond Star" at fan na fan niyang si Maricel Soriano.

Minsan nang tumulong si Soriano kay Robredo nang tumakbo ito sa pagka-bise noong 2016.