Tinatayang 46.72% o 691 sa 1,479 examinees ang pumasa sa May 2023 Licensure Examination for Dentists, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Mayo 16.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Patricia Marie Mercado Cueto mula sa Lyceum of the Philippines University - Batangas, Inc. bilang topnotcher sa naturang pagsusulit matapos siyang makakuha ng 83% score.

Hinirang naman ang Southwestern University bilang top-performing school sa naturang board exam matapos itong makakuha ng 81.25% overall passing rate.

Isinagawa umano ang nasabing exam sa Board of Dentistry in Manila, Baguio, Cebu, at Davao.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'