Nanghinayang si Unkabogable Phenomenal Star at It's Showtime host Vice Ganda sa pagkalaglag sa Top 10 ng kandidata mula sa Pampanga na si Mary Angelique Manto, sa kontrobersiyal na Miss Universe Philippines 2023 sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado ng gabi, Mayo 13.

Aktibong-aktibo si Vice sa kaniyang Twitter account at talaga namang nakatutok sa mga nangyayari.

Batay sa kaniyang tweets, mukhang ang manok ng award-winning comedian-TV host ay si Miss Pampanga.

"Sayang waley si Pampanga sa Top 10! Di naka chukchak! Bet ko pa man ding mawitness ang paglamon nya ng mic ng di nagaga-ground! #MissUniversePhilippines2023," ani Vice.

'Hindi DEE-serve?' Michelle Dee, pinagtataasan ng kilay bilang MUPH 2023

https://twitter.com/vicegandako/status/1657376842326888448

Subalit tila nabuhayan ng loob si Vice nang i-anunsyo ng event host na si Kapuso actor Xian Lim na sa halip na Top 10, Top 18 ang maglalaban-laban para sa Top 5. Dahil dito, pumasok na si Miss Pampanga at nagkaroon ng tsansa para sa korona ng Miss Universe. Ang dahilan daw nito ay ang technical issues sa manual tallying ng mga puntos kaya pinabalik ulit ang Top 18.

"Tonononoinkkzzzzz!!!! 😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱 "

"Waaaaahhhhh! Pasok na si Pampanga! Ayan naaaaa!" bulalas ni Meme.

https://twitter.com/vicegandako/status/1657395829748158464

Sa naunang Top 10 ay wala si Miss Pampanga subalit nang pinabalik na nga ang Top 18, nag-landing pa siya sa Top 5.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, si Miss Pampanga ang 2nd-runner up.

1st runner up naman ang pambato ng Zambales na si Christine Juliane Opiaza.

At ang kinoronahan namang Miss Universe Philippines 2023 na lalaban sa El Salvador ay si Michelle Dee, anak ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez.

Hindi lahat ay masaya sa pagkapanalo ni Michelle at maraming nagsasabing may iba pang mas deserving sa kaniya.

Pero tila wafakels naman dito si Michelle at naghahanda na siya sa susunod na level ng kompetisyon---ang pagkatawan niya sa Pilipinas upang mabawi na ang koronang ilang taon na ring naipagkait sa bansa simula noong 2020.