Sinita ng social media personality na si Toni Fowler ang mga magulang ng mga batang pinapagaya siya sa mga anak nila upang mapansin niya at baka-sakaling mabiyayaan ng iPhone.

Sa kaniyang TikTok video, sinabi ni Toni na pinagbigyan na niya ang request ng adult viewers hinggil sa kaniyang kontorbersyal na music video na "MPL," pero ang ipagaya pa ito sa mga bata ay too much na.

Ibinahagi ni Toni na nakaabot na sa kaalaman niya ang ipinagawa ng mga magulang sa mga anak nilang batang babae, na nagpalagay ng something sa kanilang dibdib at puwitan upang magmukhang malaki. Ang hindi raw ma-take ni Toni, mismong mga magulang pa ng mga bata ang nag-uudyok sa kanila para gawin ito. Nasaan na raw ba ang sinasabing "parental guidance?"

"Sabi pa, hindi sila hihinto hangga't hindi sila nagkaka-iPhone 14," sey ni Toni.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"This is too much. I am posting this for awareness sa mga magulang… Tagalog po yung kanta ko, napakadaling intindihin, para sa inyo (adults) ko sinulat 'yon hindi para sa mga bata. 'Eh bakit mo pa sinulat-sulat?' Hindi gano'n 'yon. Huwag n'yo sa akin isisi. Naiintindihan ko naman na marami ang may gusto ng iPhone 14. Pero hindi n'yo kailangang gumawa ng paulit-ulit ng videos… hindi po ako maaawa sa ganyan," ani Fowler.

"Bilang magulang, responsibilidad po natin kung ano ang gusto nating mapanood ng mga bata, o mapakinggan nila..."

Matapos ang MPL ay muling naglabas ng mapangahas na music video si Toni na may pamagat na "MNM" o "Masarap na Mommy."