Nagpasalamat si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa mga taong tumulong sa kaniya upang matagumpay na maisakatuparan ang kaniyang sold-out 20th anniversary concert na ginanap noong Biyernes, Mayo 12, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Una na sa listahan ang co-director niyang si Paolo Valenciano, anak nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Co-director dahil isa rin si Sarah sa nagsilbing hands-on sa kaniyang concert.
"Direk Paolo… maraming salamat po sa tiwala at pasensya. Lalo po tumaas ang respeto ko dahil sa humility at resilience na ipinakita n'yo sa project na ito. Tito Gary and Tita Angeli… you have raised an amazing human being not just because he’s talented and intelligent, but most especially because his heart is for God. Mabuhay ka direk Paolo!!" ani Sarah.
Sumunod niyang pinasalamatan ang buong production team, gayundin ang banda na naging instrumento sa kaniyang magagandang musika, sa pangunguna ni Louie Ocampo. Binanggit din niya ang back-up singers at dance choreographers na mas nagbigay-buhay sa produksyon.
At sa buong prod team!! Maraming salamat po!! Napakagaling nyo!! Salamat for making my 20th anniversary concert extra special!
"Thank you to my wonderful band!! Sir Louie Ocampo our musical director!! To my back up singers. To my amazing dancers/choreographers !! Woooow!!!! You guys showed nothing but excellence and passion on that stage. Thank you for the inspiration."
"To Ms. Yosha and Teacher Annie… my voice teachers… thank you for the words of encouragement and guidance."
Siyempre, hindi kinalimutan ni Sarah ang kaniyang glam team na sina Sir Juan Sarte (make up), Raymond Santiago (hair), at
Liz Uy at Bang Pineda (wardrobe).
"Thank you for making me feel extra confident and special that night," pasasalamat ni Sarah.
Pinasalamatan din ni Sars ang kaniyang special guests at isa na nga rito ang kaniyang nanay-nanayan sa showbiz na si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid. Binanggit din niya ang talent manager at may-ari ng Viva na si Vic Del Rosario.
"Sa aking mga special guests… thank you very much for sharing your music and time with us. I am humbled… inspired with your generosity and artistry."
"Boss Vic… salamat po for being God’s instrument to help my family have a better and comfortable life. Mula po noon hanggang ngayon, maraming salamat po para sa lahat ng pang-unawa at suporta."
At siyempre, ang full force at full support na Popsters, tawag sa kaniyang mga tagahanga.
"Popsters… wala kayong katulad. Maraming maraming salamat para sa inspirasyon at pagmamahal. Patuloy nating aabutin ang mga tala. Maraming salamat at di kayo bumitiw."
"Mahal ko kayo. Happy 20 years!!"
Samantala, sa kaniyang speech sa mismong concert ay pinasalamatan ni Sarah ang kaniyang mga magulang gayundin ang G-Force na 16 taon niyang naging back-up dancers at nasa likod ng kaniyang dance steps gaya ng "Tala."
Sa tanong ni Ogie Diaz, sinagot na ni Teacher Georcelle Dapat-Sy ng dance group na G-Force kung bakit wala sila sa naturang concert.