Posibleng umangkat ng sibuyas ang pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng presyo nito, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa panayam sa telebisyon nitong Lunes ng umaga, ipinaliwanag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na layunin ng naturang hakbang na mapatatag ang presyo ng produkto sa merkado.

Isa rin aniya sa dahilan ng paggalaw ng presyo ng sibuyas ay ang pagtaas ng farmgate price na umabot na sa₱120 kada kilo.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga magsasaka ng sibuyas upang talakayin kung paano mapababa ang presyo ng produkto.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

Nilinaw din ni Evangelista na wala silang nakikitang imported na sibuyas sa merkado.

Gayunman, patuloy pa rin nilang binabantayan ang mga ipinapasokna sibuyas sa mga cold storage facility, gayundin sa mga daungan sa bansa upang matiyak na walang nakalulusot na puslit na produkto.

Kamakailan, tiniyak ng Bureau of Plant Industry (BPI) na tatagal hanggang Nobyembre ang suplay ng pulang sibuyas sa bansa habang ang puting sibuyas ay tatagal lamang hanggang Setyembre.