Ang pagkontrol ng inflation ang nagsisilbing “most urgent national concern” ng mga Pilipino, ayon sa inilabas na resulta ng March 2023 survey ng OCTA.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 57% ng mga Pilipino ang nag-aalala sa pag-kontrol ng tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Sinundan naman umano ang usapin ng inflation bilang “most urgent national concern” para sa mga Pilipino ang pagpapataas ng sahod ng mga empleyado (45%), at ang pag-access ng mga abot-kayang presyo ng mga pagkain, tulad ng bigas, gulay, at karne (44%).

Samantala 5% lamang daw ang nagsabing “most urgent national concern” ang Covid-19, habang 1% lamang sa charter change.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Isinagawa umano ang nasabing non-commissioned survey, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Pinoy sa bansa na may edad 18 pataas, mula Marso 24 hanggang 28 ngayong taon.