Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group na umakyat pa sa 25.4% ang weekly Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang noong Mayo 13.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Linggo ng gabi, nabatid na ito ay pagtaas ng 2.7 puntos sa positivity rate ng rehiyon, na nasa 22.7% lamang noong Mayo 6.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon kay David, bukod sa NCR, nakitaan rin ng mataas na high positivity rates ang ilang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Bataan (20.2%); Batangas (33.7%); Benguet (20.3%); Bulacan (25.2%); Camarines Sur (46.5%); Cavite (36.9%); Isabela (36.6%); Laguna (29.9%); Oriental Mindoro (29.5%); Pampanga (24.8%); Quezon (42.7%); at Rizal (44.4%).

“7-day positivity rates in NCR and other provinces in Luzon. In NCR it increased slightly from 22.7% to 25.4%. High positivity rates seen in Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Camarines Sur, Cavite, Isabela, Laguna, Oriental Mindoro, Pampanga, Quezon, Rizal,” tweet ni David.

Sa Visayas at Mindanao naman, nakitaan ng mataas na positivity rates ang Aklan (56.9%) at Leyte (21%) habang ang ibang lalawigan ay nasa moderate ang positivity rates.

“7-day positivity rates in Visayas and Mindanao as of May 13 2023. Aklan had a very high positivity rate while Leyte had a high positivity rate. In other provinces, the positivity rate was moderate,” aniya pa.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa Covid-19 mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang 5% positivity rate na threshold para sa Covid-19