Hindi inakala ng misis na si "Roviedelia Soriano-Villena" na magiging instant milyonarya siya nitong Linggo, araw ng pagdiriwang ng Mother's Day, matapos siyang regaluhan at sorpresahin ng mister na si Macky Villena ng isang "korona" ng mga bulaklak, na ang petals ₱1k-peso bills pala!

Umabot lang naman sa ₱1M ang piraso ng libong pisong nakaadorno sa ipinagawa ng mister na korona ng bulaklak, na noong una raw ay inakala pa ni Roviedelia na bulaklak sa patay.

"THANK YOU hubby sa 1Million CASH Bouquet," ayon sa Facebook post ng misis.

"Magagalit na sana ako kasi bakit may bitbit kang corona eh buhay pa ako, kaya lang pagtingin ko, kulay blue pala, langya, pinangawa mo pa ako sa dami ng tao."

Trending

'Grabe lakas mo!' Netizen na nakatanggap ng 'Hakot Challenge Award,' hinangaan

"I loveyou so so much, thank you sa surprise."

Muntik na raw magtampo ang misis dahil hapon na, hindi pa siya binabati ng Mother's Day ng kaniyang mister, wala ring ni maliit na bulaklak na ibinigay sa kaniya.

"Iiyak na sana ako kasi hapon na di pa ako binati ng mister ko, wala rin kaht maliit na bulaklak tapos kagabi di pa tumabi sa akin, ginitna pa si Amari, akala ko ano problema, magdamag ako di nakatulog kung ano nangyayari sa asawa ko bakit ganun."

"Tapos nauna magtanghalian di ako tinawag, ang sama-sama talaga ng loob ko. Tas 1pm na sabi n'ya kain na lang daw kami sa labas, sabi ko sige, di baleng wala ng gift basta maramdaman ko man lang na special yung araw na 'to para sa aming mga nanay. Yun pala may pasurprise ang kagwang, pinapaiyak lang talaga ako."

Sa comment section naman ay may pahabol na sweet message ang mister para sa kaniya.

"Deserve mo 'yan wifey… I love you always and forever…"

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!