Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Malampaya Service Contract matapos nitong pirmahan ang renewal agreement na tatagal hanggang 2039.

Idinahilan ng Malacañang, mag-e-expire na sa Pebrero 22, 2024 ang dating 25 taong production contract ng Malampaya.

Sa ilalim ng pinalawig na 15 taong kontrata, pinapayagan ng gobyerno ang patuloy na produksyon ng Malampaya gas field hanggang Pebrero 22, 2039.

“As we renew Service Contract (SC) 38, we optimistically look forward to the continued production and utilization of the remaining reserves of the Malampaya gas field, as well as further exploration and development of its untapped potential,” pagdidiin ng Pangulo.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

"This is the key to our drive to energy security and calculated to advance the nation’s energy interest. This project will reduce our dependence on oil imports while ensuring a stable supply of energy,” aniya. 

Kaugnay nito, inatasan ni Marcos ang Department of Energy (DOE) na pangasiwaan ang implementasyon ng proyekto sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay upang matiyak na naaayon sa kapakanan ng bansa ang layunin ng nasabing grupo ng mga kumpanya.