Ito ang sey ng bagong Miss Universe Philippines titleholder kalakip ang mahabang pasasalamat kasunod ng kaniyang matagumpay na pagsungkit ng korona matapos ang pagsali ng dalawang edisyon.

“That has been my mindset not just for this year but for all the times I joined Miss Universe Philippines. No matter how it looks, it was never and it never got easier to prepare for each time I would compete. Each year was full of hard work, sacrifices, and risks that I hope to pay off at the end. Winning this year validates not just to me but to every Filipino that with hard work, perseverance, and passion, you can achieve anything,” sey ni Michelle.

Sunod na pinasalamatan niya ang mahabang listahan ng mga tao sa likod ng kaniyang tagumpay kabilang ang kaniyang management sa GMA Network, glam team, designers, stylists at buong creatibe team.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“To my family and friends, thank you for supporting me through all the ups and downs that come with this crazy and amazing ride. Thank you for being my rock and for giving me the strength to keep going,” ♡ pagpapatuloy niya.

Nagpaabot din ng pasasalamat ni Michelle sa MUPH para aniya sa tiwalang iniatang na katawanin muli ang bansa sa international arena.

Hindi rin nakalimutan ng Makati pride ang kaniyang masugid na mga tagasuporta sa buong pageant journey.

“When the going gets tough, your support is what pushes me to keep going,” aniya.

Nangako naman ngayon pa lang si Michelle na ibubuhos niya ang lahat para tangkain ang ikalimang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.

“The next chapter of my pageant journey is no longer my own. It's for each Filipino that I will be representing in El Salvador. Knowing this doesn't just inspire me. It pushes me to work even harder and to dream bigger. It pushes me to do whatever it takes to bring home the Miss Universe crown to the Philippines,” pagtatapos niya.

“#DEEPATAPOSang laban. Naguumpisa palang tayo.”