CAMBODIA - Isa pang gintong medalya ang nasungkit ng Pilipinas sa weightlifting sa Southeast Asian (SEA) Games sa Phnom Penh nitong Lunes, Mayo 15.
Ito ay nang manalo si Vanessa Sarno sa women's 71-kilogram weightlifting competition sa Taekwondo Hall ng National Olympic Stadium nitong Lunes.
Una nang binuhat ni Sarno ang 105 kg (snatch) na tumabon sa kanyang rekord na 104kg sa Hanoi, Vietnam nitong nakaraang taon.
Naiangat din ni Sarno ang 120kg (clean and jerk) kaya naitala nito ang kabuuang 225kg.