Ipinagtanggol umano ng beteranong broadcast journalist at komentaristang si Ben Tulfo ang social media personality-negosyanteng si Rendon Labador hinggil sa mga banat nito patungkol kay Kapuso comedian, director at writer Michael V o kilala rin sa tawag na "Bitoy."

Kumakalat ang pahayag umano ni Tulfo laban kay Labador sa iba't ibang social media pages, gaya ng "Kapuso Alliance Fanpage."

Screengrab mula sa FB page na Kapuso Alliance Fanpage

Rendon Labador gustong 'pabagsakin' ang showbiz era

“Ako sa totoo lang, Rendon matagal-tagal na ako sa media bilang isang journalist, actually dati akong DJ marami na akong nakaaway at nakakabangga na pasaway na katulad mong makitid ang utak, gusto lang kita i-punching bag, eh pero si Bitag, matapang din ilabas mo 'yang tapang mo, boy huwag sa video humarap ka dito sa Bitag talagang malilintikan ka, lahat na lang ng mga sikat na influencers at media binabanatan mo, huwag ganun,” ayon daw kay Tulfo.

“Because your brain is small and their sucks, stop wasting your time and money, nag-aaksaya ka lang ng laway sana 'yang utak mo gamitin mo sa tamang paraan, hindi puro yabang lang ang dinadaan mo sa kabobohan mong video baka maiputan ka sa mukha mo na may putok sa buho."

Sabi pa raw ng Bitag host, dapat maghulos-dili si Rendon sa kaniyang mga pinagsasabi.

“Sinasabi ko lang, maghinay-hinay ka sa banta mo at binibitaw mo against Michael V. Napakatalinong tao 'yan at maraming humahanga at nagmamahal sa fans niya tapos gaganyanin at babastusin mo lang sa vlog, eh ikaw kaya ang ganyanin ko, anong pakiramdam mo do'n, huh?"

“Alam mo si Michael V. Kaibigan ko 'yan, maayos siya nagpapaalam sa akin kung gusto niyang gayahin ang programa ko upang gawin ang parody version sa comedy show sitcom niyang #BubbleGang na halos tatlong dekada nang namamayagpag sa telebisyon at palagi niyang nababanggit ang BITAG, ginawa niyang ‘Sumbong-sumbong, Kay Bonggang-Bonggang Bongbong."

“Alam mo gusto mo lang kumita sa video para yumaman ka kaya lang napakahambog mong tao ka eh, hehe tao ka nga ba talaga huh Rendon o sadyang 'yang utak mo may putok sa buho! Kung pwede nga lang ako mismo ang titira sa’yo nang ganyan, eh,” banat pa ni Ben.

Noong Mayo 2, nag-post si Ben Tulfo hinggil sa mga pinaggagagawa ng ilang "pasaway" na content creators, lalo na sa nangyaring kidnap prank na muntik nang maging totoo matapos pumalag ang pina-prank na isa palang pulis.

"SA NGALAN NG VIEWS AT KITA!"

"May kumakain ng dumi ng hayop… may nagpapatuklaw sa ahas… may nagpapahabol sa aso… At ngayon, KIDNAP PRANK gone wrong!"

"‘Yung iba sadyang lumilikha ng kanilang mga obra 'kuno' sa ngalan ng sinasabing 'content' daw."

"May mga vlogger namang disente, edukado, respectable sa kanilang larangan. MABUTI ang impluwensiyang naipapakita sa publiko."

"Pero mas dumadami yung mga vlogger na sa sobrang 'taba ng utak,' wala nang pananagutan - parang may mga sapak!"

Ngunit wala naman siyang binanggit na kahit anong pangalan ng content creators, gaya ni Labador.

Sa kabilang banda, hindi maririnig o mapapanood sa alinmang Bitag Live o programa ni Tulfo na talagang binitiwan niya ang naturang mga pahayag.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon hinggil sa mga buwelta raw sa kaniya ni Ben Tulfo.