Nasa 267 preso o persons deprived of liberty (PDLs) an pinalaya ng Bureau of Corrections nitong Lunes, Mayo 15.
Kabilang sa pinalaya ang 22 na nakakulong sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Paliwanag ng BuCor Directorate for Security and Operations, 124 sa naturang bilang ang nabigyan ng parole, 96 naman ang pinakawalan kasunod ng expiration ng kanilang sentensiya alinsunod sa Good Conduct and Time Allowance (GCTA); 39 ang napawalang-sala, pito ang nabigyan ng probation at isa naman ang naghain ng cash bond.
"The release of qualified women PDL was also timely in celebration of Mother's Day," pahayag naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla matapos pangasiwaan ang pagpapalaya ng mga preso sa CIW.
Philippine News Agency