Hindi tinamaan ang mahigit sa ₱125 milyong jackpot sa isinagawang draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 18-44-57-06-23-12 na may premyong ₱125,342,321.60.

Dahil dito, inaasahan ng PCSO na tataas pa ang jackpot ng Ultra Lotto sa mga susunod na araw.

Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'