Masayang ikinuwento ni Manay Lolit Solis sa kaniyang Instagram account ang kabaitang ipinakita sa kaniya ng journalist at radio commentator na si Anthony Taberna o "Ka Tunying" pati na rin ang asawa nitong si Rossel Taberna.

Ayon pa sa talent manager, kahit hindi pa sila nagkikita ay parang "very close" na umano sila ng mag-asawa. Dagdag pa niya, weekly siyang pinapadalhan ng champorado at macaroni soup.

"Hindi ko alam paano ko pasasalamatan sina Ka Tunying at Rossel Taberna. Sobra akong na-touch na every week nila akong pinapadalhan ng champorado at macaroni soup. Iyon bang kahit hindi pa kami nagkikita ay parang very close na kami," aniya.

"Napakabait ng mag-asawang Taberna na talagang lagi mo tuloy ipinagdarasal na lalo pa silang magtagumpay," dagdag pa niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sey pa ni Manay Lolit, kahit anumang propesyon ang pasukin ni Ka Tunying, isang daang porsyento suporta umano ang kaniyang ibibigay sa journalist.

Aniya, "Talagang kahit hindi ka lumapit, sila mismo ang nag-aalok ng tulong sa'yo. Ewan ko pero siguro dahil sa kabaitan ni Ka Tunying, restaurant o pulitika ibibigay ko ang suporta ko anytime, anywhere, ganun."

Dagdag pa niya, "Ganun kalaki ang tiwala ko kay Ka Tunying Taberna dahil napatunayan ko ang buti ng puso nilang mag-asawa. Forever grateful Taberna Family, I will always put you in my heart dahil napakabait ninyo."