Pinaalalahanan ng isang health expert ang publiko na patuloy na mag-ingat sa gitna umano ng tumataas na kaso ng Covid-19 sa bansa.

Bagama’t inanunsyo kamakailan ng World Health Organization na hindi na global health emergency ang Covid-19, ipinahayag ni infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante nitong Linggo, Mayo 14, na hindi pa rin natatapos ang virus.

BASAHIN: Covid-19, hindi na global health emergency – WHO

Isiniwalat kamakailan ng Department of Health (DOH) na nagkaroon ng 75% na pagtaas ng kaso ng Covid-19 nitong linggo matapos makapagtala ng nasa 1,533 kaso sa bawat araw mula Mayo 10.

National

SP Chiz, Sen. Koko, at Sen. Raffy, pwedeng maging pangulo ng PH – Sen. Robin

“[The public should] not to be complacent because anyone can get the infection whether vaccinated or unvaccinated because of the ability of [the] current subvariant to evade our immune response,” ani Solante.

Pinayuhan naman ng nasabing health expert ang publiko na i-update ang kanilang pagbabakuna sa Covid-19 at magsuot ng face mask tuwing nasa high risk areas.

Binigyang-diin din ni Solante na mahalagang magpa-test ang mga indibidwal na symptomatic o nakararanas ng pag-ubo, namamagang lalamunan, at mga may lagnat.

Kung sakali umanong magpositibo sila sa Covid-19, nararapat silang mag-isolate upang hindi makahawa.

“For those in the high risk population who are symptomatic, they should consult their doctors for proper treatment using antivirals,” saad ni Solante.