CAMBODIA - Nakasikwat din ng gintong medalya si Tokyo Olympian weightlifter Elreen Ando sa32ndSoutheast Asian Games sa National Olympic Stadium sa Phnom Penh nitong Linggo.
Una nang binuhat ni Ando ang 98 kilograms bago pinuwersa ang 118kgs sa clean and jerk event.
Dahil dito, nasa 216kgs ang kabuuang binuhat ni Ando kaya lumikha ito ng bagong rekord sa SEA Games.
Nasa ikalawang puwesto lamang ang Thailander na si Suratwadee Yodsarn matapos buhatin ang kabuuang 206kgs.
Naka-bronze medal naman si Hoang Thi Duyan (Vietnam) na bumuhat lamang ng 205kgs.
Ito pa lamang ang unang gintong medalya ni Ando sa SEA Games matapos makakuhang silver medal sa -64kg division sa 2019 SEA Games sa Manila at sa Hanoi, Vietnam nitong 2022.
Kristel Satumbaga Villar