Bahagyang tumaas ang pitong araw na positivity rate ng Covid-19 sa Metro Manila, habang ang ilan pang lugar sa Luzon ay nakapagtala ng “high” rates sa nakalipas na linggo, sinabi ng OCTA Research noong Linggo, Mayo 14.

Sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na bahagyang tumaas ang positivity rate sa Metro Manila mula 22.7 porsiyento noong Mayo 6 hanggang 25.4 porsiyento noong Mayo 13, na inuri bilang “high” sa sukatan ng OCTA.

Sinabi ni David na ang mataas na positivity rate ay naobserbahan din sa Bataan (mula 12.5 porsiyento noong Mayo 6 hanggang 20.2 porsiyento noong Mayo 13), Batangas (mula 23.2 porsiyento hanggang 33.7 porsiyento), Benguet (mula 17.4 porsiyento hanggang 20.3 porsiyento), Bulacan (mula 20.1 porsiyento hanggang 25.2 porsiyento), Camarines Sur (mula 45.1 porsiyento hanggang 46.5 porsiyento), Cavite (mula 35.3 porsiyento hanggang 36.9 porsiyento), Isabela (mula 25.9 porsiyento hanggang 36.6 porsiyento), Laguna (mula 26.6 porsiyento hanggang 29.9 porsiyento), Oriental Mindoro (mula 10.5 porsiyento hanggang 29.5 porsiyento), Pampanga (mula 19 porsiyento hanggang 24.8 porsiyento), Quezon (mula 29.4 porsiyento hanggang 42.7 porsiyento), at Rizal (mula 38.8 porsiyento hanggang 44.4 porsiyento).

Ang peak ng surge, partikular sa Metro Manila, ay maaaring mangyari "sa loob ng isa hanggang dalawang linggo," sabi ng OCTA fellow noong Mayo 10.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibidwal na nagbunga ng mga positibong resulta mula sa mga nasuri para sa Covid-19.

Ang benchmark para sa positivity rate na itinakda ng World Health Organization ay 5 porsyento.

Noong Mayo 14, iniulat ng Department of Health ang 2,109 na bagong kaso ng Covid-19 sa buong bansa, kung saan 868 na kaso ang naitala sa Metro Manila.

Inaasahan ni David na maaaring makapagtala ang bansa ng 1,400 hanggang 1,600 bagong kaso ng Covid-19 sa Lunes, Mayo 15.

Aniya, ang kasalukuyang positivity rate ng bansa ay 23.4 percent, bahagyang bumaba mula sa 23.6 percent noong Mayo 13.

Ellalyn De Vera Ruiz