Matapos tumuntong sa 62 ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Navotas City noong Mayo 9, makalipas ang limang araw ay nasa 42 ang naiulat na lang nitong Linggo, Mayo 14.
Sa kabuuan, nasa 22,475 na ang naitala ng lungsod na kabuuang kaso kung saan 21, 689 ang gumaling na at 744 ang nasawi.
Sa 18 barangay, ang San Jose na may 7 aktibong kaso ang pinakamarami sa ngayon habang apat ang nananatiling Covid-19 free kabilang ang Bagumbayan North, Navotas East, Navotas West, ar San Rafael Village.
Paalala ng pamahalaang lungsod: “Parating sundin ang health at safety protocols, at magpabakuna o booster para may proteksyon laban sa COVID-19.”
Pagdating naman sa pagbabakuna, nasa 223,600 na residente na ang nakatanggap ng unang dose, 223,655 ang nakakumpleto ng ikalawang dose habang 80,149 ang bakunado na ng unang booster at 19,450 na ang nakatanggap ng kanilang ikalawang booster.
Narito ang kabuuang schedule ng muling pinalakas na Covid-19 vaccination program sa lungsod.
Sa ulat ng OCTA Research, nakitaan ng bahagyang pagtaas ng Covid-19 positivity rate sa Metro Manila.