Maugong ang mga tsikang kumakalat na isa sa mga magiging coach-judge sa "The Voice Generations" ng GMA Network ay si Pop Rock Royalty Yeng Constantino, na nagsimula at ilang taon na ring nasa ABS-CBN.

Kumakalat sa iba't ibang social media pages ang tungkol sa bulung-bulungang magiging bahagi nga ng latest spin-off ng The Voice si Yeng, na siyang Grand Winner sa reality-singing competition noon na Pinoy Dream Academy.

"Tuluyan na nga bang iiwan ng Pop Rock Singer-songwriter Yeng Constantino ang ABS-CBN?" saad sa caption ng social media page na "Kapamilya United."

"Maugong na usap-usapan kasi ngayon na isa ang Kapamilya Singer sa magiging hurado para sa The Voice Generation ng GMA Network."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Screengrab mula sa FB page na Kapamilya United

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Kung aalis man siya good luck na lang. Pero kung para sakin kung ayaw mong langawin ka doon stay for ABS. Yung mga ibang nagsilipat hindi na maugong ang pangalan."

"Welcome to the Kapuso Network, Yeng! Where you belong!"

"Wala nang problema doon, dahil okay naman ang GMA at ABS-CBN, ewan ko ba sa iba dyan mapride pa rin, habang ang GMA at ABS-CBN nag-eenjoy. Ang mga bitter fans nagpapaka-ewan. Let's be happy dahil magtutulong yung dalawang network para mabigyan tayo ng quality teleseryes at movies. God bless us all."

Samantala, wala pang kumpirmasyon ang balitang ito mula sa kampo ni Yeng, o maging sa GMA Network. On-going na rin ang auditions para sa singing contest na ito, habang may "The Voice Kids" pa sa ABS-CBN na ang coaches ay sina Martin Nievera, KZ Tandingan, at Bamboo.