Nakisimpatya ang maraming netizens kay Popstar Royalty Sarah Geronimo matapos maiyak na ito habang inaalayan ng kanta ang mga magulang sa sold-out anniversary concert sa Araneta Coliseum nitong Biyernes, Mayo 12.

Viral ngayon sa TikTok ang emosyonal na Pop icon habang kinakanta ang OPM classic na “Habang May Buhay” para sa kanilang Tatay Delfin at Mommy Divine.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaan ang taon nang alitan ng anak sa mga magulang matapos ang kontrobersiyal na kasalan ng singer at actor-host na si Mateo Guidicellinoong Pebrero 2020.

Dito rin ay naiulat na sumugod pa umano ang ina ni Sarah sa simbahan bagaman hindi ito kinumpirma ng parehong panig. Naitampok pa ang kontrobersyal na kasalanan sa “Raffy Tulfo in Action.”

Sa kaniyang comeback sa showbiz noong Oktubre 2022 matapos ang mahabang panahong hiatus, matatandaan ang paglabas ng public apology ni Sarah sa mga magulang makalipas ang higit dalawang taon.

Basahin: Sarah Geronimo, nag-public apology sa mga magulang matapos ang dalawang taon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Gayunpaman ay tila hindi nga humantong sa pagkakaayos ang singer sa mga magulang matapos ang hindi pa rin pagdalo ng mga ito sa espesyal na selebrasyon ng anak sa industriya.

Basahin: Iba ang Popsters! Kahit walang TV promotion, anniversary concert ni Sarah G, halos sold out na agad – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Basahin: Sarah G., balik-Araneta para sa kaniyang 20th Anniversary Concert – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maraming netizens na ang nalungkot at nakisimpatya sa sitwasyon ng singer.

“Bakit kapag mabait ang anak kayang tiisin ng magulang? Pero pag [y]ung pasaway hinahabol habol pa ng magulang,” komento ng isang netizen sa viral TikTok video ng singer.

“Yung nangarap ka para sa pamilya mo, pero nung time na para sa sarili mo naman wala kang support, ang hirap nun,” segunda ng isa pa.

“Ang bait ng batang to pero pinagkaitan ng mabait na magulang. 🥺”

“I cried! 🥺 As much as I don't want to say this but it is so unfair and selfish to not let your daughter have her own life.”

“This only proves how much she loves and respect her parents. Kahit parang tinatakwil siya. 🥺 Sarah may not be perfect but she deserves to be loved.”

Umabot sa mahigit 1.2 million views at 76,000 likes ang viral video sa pag-uulat.