Usap-usapan ngayon ang mga tomador na nanalo ng ₱100,000 at motorsiklo dahil sa pag-inom ng "Gin Bilog," matapos matuklasan ang premyong nakuha nila na nasa ilalim ng selyo o cap ng bote nito.

Ayon sa netizen na si "Annalyn Manjares" na nagtatrabaho sa Ginebra San Miguel, tatlo na ang nanalo ng ₱100k cash at isa naman ang masuwerteng nakuha ang premyong motorsiklo.

Ang una ay isang matandang lalaki na si "Carlos Arca."

"Bumili lang ng Gin Bilog nanalo na ng 100,000 napaka swerte mo tatay para siguro talaga sayo yan. Congratulations tatay Carlos Arca! 🎉," ayon sa caption ni Annalyn sa kaniyang Facebook post.

Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

Ang isa naman ay nanalo ng mountain bike na magagamit niya sa kaniyang trabaho.

"Another winner here at GG Lucky Brothers Co-Boni Mandaluyong. Congratulations sa ating ka-gin bilog from Blk 38 Addition Hills Mandaluyong. Naglalako lang si kuya ng mga paninda nya, Instanalo agad sya ng Mountain Bike!!! Ngiting InstaNalo sa One Ginebra Nation."

Isa ring tanggero ang nanalo ng motorsiklo.

Isa pang netizen ang nag-claim na nanalo siya ng cash prize.

"Congratulations sa ato guys. Thank you ante lorsan suki nga tindahan abi nako ug dli legit nag share2 pa ko atong nadaog last

thank you jud kaau Ginebra San Miguel sa 100k dako na kaau nig tabang sa ako makapamorikat na gyud kos japan ani," ayon sa kaniyang Facebook post.

Batay sa Facebook post ng GSM, talagang legit ito. Ang promo ay hanggang Mayo 31 lamang.

Kaya kung umiinom ka, agad na tingnan ang selyo o ilalim ng cap at baka ikaw na nga ang susunod na winner!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!