PHNOM PENH, Cambodia - Isa pang boksingerong miyembro ng Philippine team ang kumubra ng gintong medalya sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Chroy Changvar Convention Center nitong Sabado.

Tanging si Ian Clark Bautista lamang ang nakakuha ng gold medal sa boksing matapos matalo at nagkasya na lamang sa silver medal ang tatlo niyang miyembro sa grupo.

Napitas ni Bautista ang nasabing medalya laban kay Indonesian Asri Udin via unanimous decision sa men's 57kg.

Si Rogen Ladon ay yumuko sa kalabang Thailander na si Thanarat Saengphet sa men’s 51kg, habang si Irish Magno ay natalo rin ng isa pang Thailander na si Jutamas Jitpong (women’s 54kg).

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Lumuhod naman si Riza Pasuit sa Vietnamese na si Thi Linh Ha (women’s 63kg).

Ang lima pang Pinoy boxers ay sasabak pa sa finals sa Linggo, Mayo 14. Ang mga ito ay sina Carlo Paalam (men's 54kg), Paul Julyfer Bascon (men's 60kg), Norlan Petecio (men's 67kg), John Marvin (men's 80kg) at Nesthy Petecio (women's 57kg).

Kristel Satumbaga Villar