Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tingnan kung paano matutugunan ng Pilipinas ang mga alalahanin ng Malaya Lolas, grupo ng mga lola na naging biktima umano ng pang-aabuso at kalupitan ng mga Hapon noong World War II.

Sinabi ito ni Marcos bilang tumugon ng Pilipinas sa ulat ng United Nations Convention on the Elimination of Discrimination Against Women (CEDAW) noong Marso na nabigo ang Pilipinas na pagkalooban ang Malaya Lolas ng mga claim reparation, maging ng suporta at pagkilala sa dinanas nila.

BASAHIN: PH, nilabag ang mga karapatan ng Pinoy ‘comfort women’ – UN committee

Sa isang pahayag nitong Sabado, Mayo 13, sinabi ni Marcos na nagsasagawa na sila ng mga aksyon sa desisyon ng CEDAW sa kaso ng Malaya Lolas alinsunod umano sa “strong commitment” ng administrasyon sa “women’s emportment”, “gender equality”, at paglikha ng isang inklusibong lipunan.

“While we maintain our previous position on the admissibility and merits of the case in view of national jurisprudence and treaty obligations, we recognize the grave atrocities endured by brave Filipino women during the wars of the 20th century, and sincerely commiserate with them as they bear the long-term and irreversible physical and psychological effects of the war. We honor their indomitable spirit and dignity in taking this important cause forward through these years,” ani Marcos.

“I wish to underscore that the Administration upholds the primacy of human rights and values the well-being of all Filipino women and girls,” saad pa niya.

Bumubuo na umano ang mga ahensya ng gobyerno ng isang komprehensibong tugon sa CEDAW Committee at isusumite ito sa loob ng kinakailangang panahon.

Sa ilalim ng Optional Protocol to the Committee, may anim na buwan umano ang Pilipinas upang tumugon sa CEDAW hinggil sa isyu ng Malaya Lolas.

“We strongly uphold women's rights and push for gender equality as inscribed in our national laws, our treaty obligations especially under the CEDAW, and other international human rights instruments,” ani Marcos.

“We commit to undertaking measures and finding ways to help them live better lives as an expression of our continued deep solidarity with them and of our outmost respect,” saad pa niya.

Matatandaang nangako ang Malacañang Marso na pag-aaralan nila ang inilabas na desisyon ng United Nations women rights committee.

BASAHIN: Malacañang, nangakong pag-aaralan ang desisyon ng UN sa ‘comfort women’