Marami ang naantig sa post ni Jovelyn Balantin mula sa Baguio City, tampok ang isang pulis na umalalay at nagbuhat sa bag ng isang lola sa isang public market.

“Captured this kind hearted policeman who patiently assisted and carried the bag of an elderly woman early this morning at the public market, from the intersection fronting the old tiongsan bazaar until the jeepney terminal,” ani Balantin sa kaniyang post.

“If there is someone who deserves a recognition, it is this very caring law enforcer.

Good job sir! Mabuhay ang mga police baguio!”

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Balantin na papasok siya nang umagang iyon sa opisina nang makita ang nasabing mabuting tagpo.

“Traffic sa area na ‘yun nung makita ko so nagkaroon ng chance na picturan. At nasundan ko until makasakay ung matanda,” kuwento ni Batantin.

Ayon pa kay Batantin, bilang nagtatrabaho siya sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng resource department, ipinost daw niya ito upang banggitin na sana’y ma-recognize ang ganoong gesture ng mga kapulisan.

Sa ngayon ay umabot na sa 600 reactions, 90 comments, at 148 shares ang naturang post ni Batantin.

Komento ng netizens:

“That is an accomplishment,Good job pollice officer.”

“Salute sir....God Bless.”

“Your kindness will always find a way of coming back to you Sir, Keep it up

Congratulations 👏👏👏.”

“Keep up the good work i hope not only to the old woman but i hope to everybody whos in needed god bless u all saludo ako sa inyo pulis baguio.”

“Good job sir😊nakakataba naman ng puso! Salute to you sir.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!