Ligtas ang mga Pinoy sa Taiwan sa kabila ng namumuong tensyon sa pagitan nito at China.

Ito ang tiniyak ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman, Resident Rep. Silvestre Bello III nitong Sabado.

Aniya, binabantayan ng gobyerno ang kapakanan ng mga Pinoy sa Taiwan, sa pamamagitan ng MECO.

“So we would like to assure you, everyone. I’ll take this opportunity to inform you… in Taiwan everything is normal and, if in the remote possibility na magkaroon ng emergency situation, like for example earthquake, mga lindol o even war, preparado po ang Taiwan government not only in protecting their own people but even the Filipinos, especially our workers,” sabi ni Bello sa dinaluhang pulong balitaan sa Quezon City.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Tiniyak din aniya sa kanya ngNational Police Agency of Taiwan ang kaligtasan ng mga Pinoy sa naturang lugar.

“I met with the Director General together with the head of the Home Civilian Defense of Taiwan and they assured us na iyong ating mga kababayan ay protektado nila,” aniya.

“So, huwag po kayong mag-alala… everything is normal, our OFWs there are safe and there is no danger of what you call confrontation between China and Taiwan,” sabi pa ng opisyal.

Sa datos ng gobyerno, nasa 160,000 na ang overseas Filipino workers sa Taiwan, kabilang na ang mga skilled teacher, magsasaka at nasa hospitality industry.