Malaking bahagi ng Caloocan, Navotas at Quezon City ang mawawalan ng suplay ng tubig sa Mayo 15 hanggang Mayo 22, ayon sa isang water concessionaire.

Katwiran ng Maynilad Water Services, Inc., magkakaroon ng scheduled network maintenance sa mga nasabing lugar.

Sa Caloocan, maaapektuhan ng water supply interruption ang Barangay 14, simula 4:00 madaling araw, Mayo 15, hanggang Mayo 16.

Apektado rin nito ang Brgy. 12, simula 11:00 ng gabi, Mayo 16 hanggang 4:00 ng madaling araw ng Mayo 17.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa Mayo 18 ng madaling araw hanggang Mayo 19, mapuputol din ang water supply sa Brgy. 12, 36-38 at 43.

Wala ring suplay ng tubig ang Brgy. 53-55, simula 4:00 ng madaling araw, Mayo 19, hanggang Mayo 20.A

Kabilang din sa maaapektuhan nito ang Brgy. Daanghari sa Navotas City, North Bay Blvd. (South) sa Mayo 15 ng 4:00 ng madaling araw hanggang Mayo 16.

Sa Quezon City, wala ring suplay ng tubig sa Brgy.Doña Aurora at Don Manuel sa Mayo 16-17, Brgy. Katipunan, Paraiso, Paltok, Bungad, San Antonio, at Sauyo sa Mayo 17, dakong 10:00 ng gabi hanggang Mayo 18 (dakong 6:00 ng umaga).

Putol din ang suplay ng tubig sa Brgy. Apolonio Samson, Balingasa, at Manresa sa Mayo 18 hanggang Mayo 19.

Damay din sa pagkawala ng suplay ng tubig ang Brgy. A Samson,Baesa, Bungad, Damayan, Dangay, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, at Veterans Village sa Mayo 18 at Mayo 19.

Kaugnay nito, tiniyak ng kumpanya na magpapadala sila ng mga water tanker sa mga lugar upang magrasyon ng tubig.