Nawindang ang mga netizen sa panibagong ganap sa Facebook/Meta dahil kapag sinilip, tiningnan, o binisita ang profile ng kahit na sino at hindi "friend" ay awtomatikong nagpipindot ang "friend request."
Nag-panic naman ang karamihan sa mga netizen, lalo na sa mga nagsasagawa ng "pag-stalk" sa kanilang mga dating karelasyong unfriended na, o kaya sa mga estrangherong sinisilip lang, o kaya naman, sa kanilang mga crush na sinisipat-sipat.
Narito ang ilan sa mga kuda ng netizens:
"Shocks totoo ba 'to?"
"Naku, buti na lang chineck ko kaagad, nakalagay 'request sent' na doon sa inistalk ko hahaha."
"Nakakaloka si FB hahaha, malalaman pa tuloy ng ex ko na sinisilip ko pa siya…"
"Grabe, inaccept ako ng crush ko, eh hindi naman ako nag-send ng FR. Help!!! Should I start a convo na ba? Mag-first move na ba ako?"
Ikaw, na-check mo na rin ba kung "friend request accepted" ka na ng mga binisita mong profile?