Ano nga ba ang kadalasang sinasabi ng mga nanay kapag galit sila sa kanilang mga anak? 

Bilang paggunita sa Araw ng mga Ina noong Mayo 14, nagtanong ang Balita sa pamamagitan ng "BaliTaympers" kung ano ang kadalasang sinasabi ng mga nanay kapag galit sa kanilang mga anak. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kapag "Filipino moms" ay iba kung magmahal. Sa ibang paraan nila ipinapakita at ipinararamdamang kanilang pag-aalaga at pagmamahal sa kanilang pamilya lalo na sa kanilang mga anak.

Galitin man si nanay pero hindi ibig sabihin ay hindi na nila tayo mahal. Gusto lamang din niya na maitama tayo at magabayan tungo sa tamang landas.

Kinuha namin ang mga sagot ng netizens sa comment section at talaga nga naman halos lahat ay nakakarelate sa bawat isa.

Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:

"Knino ka ba nag mana, abay d nman ako gnyan ah.."

"Anung gingawa mo jn dika bah mg linis ng bahy?🤣"

"Pag namatay aq kawawa kayu🤣"

"Naku pag di ka nakinig patay ka sa Akin un Po naririnig ko sa mga manugang ko"

"Eksena sa bahay..Yun ina naghuhugas ng mga plato at pinagkainan sa bahay.Anak : Nay ako na po diyan.Inay : hindi na kaya ko na ito.10 mins later...Inay : Nakow..wala man laang maasahan dne sa mga gawain dne..lahat sa akin na..nakoow kaawa awa talaga kayo pag nawala ako..relate???😂"

"Ang tigas talaga ng ulo mo !! ayaw mo makinig saken lumayas ka dito"

"Pag di mo nakita, makikita mo!"

"Tandaan mo magiging magulang ka din....🤔"

"Pag ako nawala,kawawa kau!"

"Ang lalaki nyo na pero Wala kau pakinabangdto sa Bahay...kung ayaw nyo mautusanmgsilayas kau...don kau sa kalsada mamalimosKCmga tamad kau😆"

"Hindi ako nagtatae ng pera."

"Kaseselpon mo yan"

"Wala Kang utang na loob"

"leche ka,ang tamad tamad mu,manang mana ka sa ama mu!😅"

"Kami nuon,, ganito ganyan"

"Ano na lang buhay nyo pag wala na KO"

Gayunman, palaging tandaan na kapag nagagalit si nanay ay isa lamang ito sa mga paraan niya na iparamdam ang kaniyang pagmamahal.