Bawat "Ilaw ng tahanan" ay may iba't ibang istorya, lahat ay may kaniya-kaniyang kuwento ng sakripisyo't tagumpay para sa pamilya.
Ang mga pagkakataong sila'y pagod at nais ng sumuko at magpahinga, ay hindi nila pinili dahil pamilya pa rin ang iniisip nila. Sila ang mga "supermom," mga superherong walang day off, walang leave.
Kaya ngayong araw ng mga ina, nanay, mama, ating balikan ang mga pelikulang nagpaiyak sa atin. Mga pelikulang isinalaysay ang "journey" ng bawat ilaw ng tahanan na tiyak ay kapupulutan din natin ng aral.
Tanging Ina
Ito ay tungkol sa isang inang handang gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya. Gaya na lamang ni Ina Montecillo na ginampanan ni Ai-Ai delas Alas na matapos tatlong beses mamatayan ng asawa ay pinasok ang iba't ibang trabaho para lang maitaguyod ang 12 niyang anak. Ipinakita rin dito na mas napapagod na maging nanay kung hindi man lang na-apreciate ng mga anak ang mga sakripisyo nito. Ang Tanging Ina ay gawa ni Direk Wenn V. Deramas at ipinalabas ito noong 2003.
Tanging Yaman
Ang pelikulang sumukat sa pagmamahal ng anak sa kaniyang ina. Ito pelikulang ito ang tungkol kay Loleng na ginampanan ni Gloria Romero na mayroong Alzheimer’s disease. Sa pagnanais na maipagamot ang kanilang ina, naisipan ng mga anak na sina Danny, Art, at Grace na ibenta ang kanilang ari-arian.
Sa kalagitnaan ng proseso sa pagbebenta nila ng bahay nagkaroon sila ng matinding pagtatalo.
Idiin din sa pelikulang ito, ang kahinaan at kalakasan ng mga anak at sa kung anong lebel nila maipapakita ang pagmamahal sa isang ina. Ang pelikula ay gawa ni Direk Laurice Guillen na ipinalabas sa sinehan noong 2000. Marami ang naantig at napaluha sa family-religious drama film na ito.
Miss Granny
Bida sa pelikulang ito ay si Aling Fely na ginampanan ni Nova Villa, isang mapagmahal at maalagang ina sa anak niyang si Ramon. Sila ay naninirahan sa isang bahay, ngunit madalas na hindi magkasundo ang mag-sawa na naging dahilan ng pagkaka-stress at pagka-ospital ni Aling Fely.
Ayon sa doktor, mas mainam na maiwasan ni Aling Fely ang mga bagay na nakakapag-stress sa kaniya, kaya naisipan ng mag-asawa na iwan na lang nila ito sa bahay kanlungan o tahanan ng mga matatanda — bagay na hindi niya nagustuhan. Idiin din sa pelikulang ito na walang anumang ina ang nais na masira at maging pabigat sa pamilya, dahil tanging hangad lang nila ay mapabuti ang buhay ng kanilang mga anak.
Everything About Her
Madalas wala ng oras magbonding ang pamilya dahil sa buong araw na pagtatrabaho. Ito ang naging suliranin ni Vivian na ginampanan ni Vilma Santos sa pelikulang Everything about Her. Agad na pinapahanap ni Vivian ang kaniyang anak na matagal na niyang hindi nakasama dahil napag-alaman nitong mayroon siyang stage 3 lung cancer.
Matagal niyang nakuha ang loob ng kaniyang anak dahil hindi sila nagkakasundo sa mga bagay-bagay, ngunit sa paglipas ng mga araw
nagkapalagayan din sila ng loob. Makikitang, walang perpektong ina, pero mayroong naniniwalang hindi pa huli ang lahat para bumawi sa anak. Ang pelikula ay sumikat noong 2016, sa direksyon ni Direk Joyce Bernal.