Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikanong matagal nang pinaghahanap sa UnitedStates sa kinakaharap na kasong kriminal, sa ikinasang operasyon sa Maynila kamakailan.

Sa report ng BI, nakilala ang dayuhan na siJason Clint Reed, 43, na inaresto saRoxas Boulevard sa Ermita nitong Mayo 9.

Paliwanag ng Immigration, dinampot si Reed sa bisa ng mission order na inilabas ng ahensya alinsunod na rin sa kahilingan ng US government.

Sa rekord ng ahensya, dumating sa bansa si Reed noong Nobyembre 27, 2014 at hindi na nagtangkang mag-apply para sa pagpapalawig ng pananatili sa bansa.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Naglabas ng warrant of arrest ang district court ng Jefferson County sa Texas laban kay Reed noong Enero 5, 2015 sa kasong improper photo at visual recording.

Bukod dito, natuklasan din ng BI-fugitive search unit na walong taon nang nag-overstay sa bansa si Reed matapos kanselahin ng US department ang kanyang pasaporte.

Pansamantalang nakakulong sa warden facility ng BI si Reed habang nakabinbin angdeportation proceedings nito.