Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Arestado ang apat na most wanted persons (MWP) sa rehiyon na may kaso sa iligal na droga, illegal recruitment, at panggagahasa sa magkakahiwalay na operasyon noong Mayo 11.
Sa isinagawang manhunt operation ng Aurora Police sa Brgy. Borlongan, Dipaculao naaresto si Arnie Ferreras, 27, at Top 1 MWP Municipal Level.
Inaresto si Ferreras sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Sec. 5 and Sec. 11 of RA 9165).
Sa Nueva Ecija, inaresto ng pulisya ang Top 1 MWP-Municipal Level na si Bulatao Gaspar, 40, residente ng Brgy. Osmeña, Guimba para sa kasong rape na walang inirerekomendang piyansa.
Samantala, ikinulong ng Bataan police si Eugene Magbanua, 49, residente ng Brgy. Alasasin, Mariveles para sa mga krimen na Rape by Sexual Assault at 2 counts ng Lascivious Conduct.
Habang si Marina Cayanan, 59, ng Brgy. San Manuel, Tarlac ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimen na Large Scale and Syndicated Illegal Recruitment na walang inirerekomendang piyansa.