Isang pusa sa Technological University of the Philippines-Visayas ang nagsisilbi umanong “therapy cat” para sa “depressed engineering students” at mga estudyanteng nakararamdam ng stress sa kanilang pag-aaral.
Sa ulat ni Hillary Joy Torrecampo ng The Philippine Artisan Visayas, student publication sa nasabing unibersidad, ang nasabing therapeutic cat ay pinangalanang “Ampere”.
“For the majority and those who are unaware of the terminology, Ampere can also be called Nonsense. Nonsense is supposed to be an expression between the initiators, but it marked his unlabored actions, which gave sense to every struggle that students have faced,” saad ni Torrecampo.
Kadalasan umanong pumapasok si Ampere sa mga silid-aralan, kahit na tuwing class hours, upang magbigay-aliw sa mga estudyante.
“In the best cases, he reboots your attention during the long class hours. Otherwise, you might end up being jealous of how he can fall asleep unbothered in every calculus class,” kuwento ni Torrecampo.
Ginawa naman daw ni Edric Kristian Gantes, third year student ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering (BSECE), ang identification card ni Ampere.
Ayon kay Gantes, nagmula ang ideya ng paggawa ng ID ni Ampere sa kaklase niyang si Ravi, na siyang nakakita umano ng isang Facebook post tungkol sa pusang ginawan ng ID. Nang makita ang post ay agad daw niyang naisip si Ampere kaya’t ibinahagi ito sa groupchat ng klase.
“All of us in the group were thrilled and automatically thought of the cat that goes to our classroom from time to time,” kuwento ni Gantes. “I was so interested in the idea that I tried editing some templates and laminated the ID.”
“The collar was a spare from one of my cats. We also made sure that the cat was comfortable wearing his ID before we let him roam around our school campus,” dagdag niya.
Sa gitna ng maraming ginagawa sa kanilang kurso, ang presensya at pagiging malambing daw ni Ampere ang talagang nagpapawala ng kanilang lungkot at stress.
“In purring noises, we found contentment and warmth,” saad ni Torrecampo.
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!