Instant multi-milyonaryo ang nag-iisang mananaya na tumama ng jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45 na nagkakahalaga ng P225,248,638 sa evening draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Mayo 12.

Ang winning combination ay 14 - 05 - 44 - 25 - 01 - 36.

Samantala, 75 taya ang tumama sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P32,000, at 4,002 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang jackpot nito ay dating napanalunan ng isang manlalaro mula sa Bayugan, Agusan del Sur noong Marso 6 na nag-uwi ng P12.1 milyon.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes

Ang Mega Lotto ay ibinubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Inihayag din ng PCSO na walang nanalo para sa UltraLotto 6/58 na may jackpot na nagkakahalaga ng P118,372,607.

Apat na taya ang nanalo sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P120,000 habang 422 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P2,000.

Ang UltraLotto ay binubunot tuwing Martes, Biyernes, at Linggo ng 9 p.m.

Luisa Kabato