“The fight for justice, for the truth continues. Free Leila!”
Ito ang pahayag ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pagsasawalang-sala ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) sa isa sa dalawang natitirang drug case laban kay dating Senador Leila de Lima na inihain ng Department of Justice (DOJ) noong 2017.
BASAHIN: De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case
“Even as it has come more than six years after her imprisonment on fabricated and baseless accusations, we nevertheless welcome the Court’s verdict,” pahayag ni Pangilinan nitong Biyernes, Mayo 12.
Ayon kay Panglilinan, unang araw pa lamang ng pagkakakulong ni de Lima ay naniniwala na raw silang gawa-gawa lamang ang mga paratang at “walang katiting na ebidensya laban kay Leila.”
“Anumang ebidensya meron lahat fabricated. We have from Day 1 called for the dismissal of the ridiculous charges but as the saying goes ‘better late than never’,” ani Panglinan.
Matatandaang Pebrero 2017 nang magsampa ang DOJ sa ilalim ng administrasyong Duterte ng tatlong kaso ng illegal drug trading laban kay de Lima at iba pa sa mga korte ng Muntinlupa. Kalaunan ay binago ng mga tagausig ang mga singil sa conspiracy to commit illegal drug trading.
Unang nakulong si de Lima noong Pebrero 24, 2017, sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil umano sa nasabing kasong 17-165 kung saan tumanggap daw si de Lima ng ₱10 milyon noong 2012 mula sa kinita ng illegal drug trading sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.
Bago ang ibinasurang kaso ngayong araw, na-acquit na ng korte ng Muntinlupa ang unang kaso ni de Lima na 17-166 noong Pebrero 2021.
“2 down, 1 to go. Next is the Petition for bail before RTC 256 which is for resolution,” saad ni Panglinan.