Sapat pa rin ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng pangamba ng publiko sa nakaambang epekto ng El Niño phenomenon sa produksyonng palay.

Sa pagpupulong sa Malacañang nitong Biyernes, binigyang-diin ni Department of Agriculture (DA)Undersecretary Leocadio Sebastian, nakapaghanda na ang pamahalaan laban sa magiging epekto ng dry spell o tagtuyot.

“Naghahanda naman kami sa Department of Agriculture kaya lang ako I had experience several El Niño and I’ve also found solutions to El Niño. Mayroon positive and negative na effect ang El Niño,” pagbibigay-diin ni Sebastian.

Inaalam na aniya nila ang mga lugar na posibleng maapektuhan ng tagtuyot.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“The areas that were be affected negatively doon lang kami gumawa ng mga measures to mitigate the effect, but those areas will have positive effect, iyong positive effect kasi ng El Niño ay iyong maganda iyong solar radiation, iyong init ng araw na nagpapataas ng ani,” sabi ng opisyal.

Aniya, may mga lugar na sa bansa na masagana pa rin ang ani kahit sa panahon ng El Niño.

Pagtutuunananiya nila ng pansin ang mga nasabing lugar upang tumaas pa ang produksyon.

“So, hopefully maba-balance out iyong negative at saka iyong positive at kung successful tayo, we may even gain from those areaswe’re willhave positiveeffect of El Niño," dagdag pa ni Sebastian.