Masaya si Senador Risa Hontiveros sa pagpapawalang-sala sa kaniyang kaibigan na si dating Senador Leila de Lima.

Nitong Biyernes, pinawalang-sala ngMuntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang isa sa dalawang natitirang drug case laban kay De Lima na inihain ng Department of Justice (DOJ) noong 2017.

"Though the course is long, justice is finally prevailing.I am happy that my friend and colleague former Senator Leila de Lima has been acquitted, and anticipate her full vindication and eventual liberty," pahayag ni Hontiveros.

"The false narrative and web of lies that led to her imprisonment is finally being undone. The real crime has always been her arrest.She is owed a speedy acquittal from the final false charge against her after enduring so much for 6 long years," dagdag pa niya.

National

De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case

"Justice for former Sen. Leila will be completed when the sinister plot to put her in jail only for speaking out for the truth and welfare of our fellow Filipinos, is fully exposed in daylight.May this pave the road to justice for all victims of the War on Drugs and sound the death knell for this inhuman policy."

Noong Pebrero 2017, nagsampa ang DOJ sa ilalim ng administrasyong Duterte ng tatlong kaso ng illegal drug trading laban kay De Lima at iba pa sa mga korte ng Muntinlupa. Kalaunan ay binago ng mga taga-usig ang mga singil sa conspiracy to commit illegal drug trading.

Unang nakulong si De Lima noong Pebrero 24, 2017, sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil umano sa nasabing kasong 17-165 kung saan tumanggap daw si De Lima ng ₱10 milyon noong 2012 mula sa kinita ng illegal drug trading sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Samantala, naglabas din ng pahayag ang Akbayan Party at dating Senador Kiko Pangilinan hinggil sa acquittal ni De Lima.