Naging instant millionaire ang isang mananaya matapos tamaan ang mahigit sa₱44 milyong jackpot sa 6/42 Lotto draw nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ngPhilippine Charity SweepstakesOffice (PCSO) nitong Huwebes, nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na36-07-19-26-08-01.

Aabot sa₱44,070,179,40 ang premyo ng nasabing lotto game, ayon sa PCSO.

Inabisuhan din ng PCSO ang nanalo na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City kung kubrahin ang panalo, at magdala lamang ng dalawang valid identification (ID) card, kasama na rin ang winning ticket.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'