GENERAL SANTOS CITY – Pinawi ng mga lokal na awtoridad sa kalusugan ang pangamba sa posibleng paglaganap ng dengue sa gitna ng tumataas na kaso ng kinatatakutang sakit sa lugar.
Binigyang-diin ni City health Officer Lalaine Calonzo na walang basehan ang pagdeklara ng outbreak sa kabila ng 501 percent na pagtaas ng dengue cases sa 960 cases mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na 160.
Sinabi niya na sa 962 na kaso ng dengue, 331 ang itinuturing na probable habang 631 ang na-diagnose na pinaghihinalaan dahil walang confirmatory test na ginawa upang matukoy ang pagkakaroon ng sakit.
Sinabi ni Calonzo na maaari lamang magdeklara ng dengue outbreak ang Department of Health kung umabot sa isang porsyento ang bilang ng mga nasawi sa isang partikular na lugar. Ang lungsod na ito ay nagkaroon lamang ng 0.6 porsiyentong fatality rate.
“There was no cause for alarm on a possible dengue outbreak,” sabi ni Calonzo.
Sinabi ng city health officer na ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue dito ay maaaring maiugnay sa pinaigting na rapid dengue testing na isinagawa ng city health personnel.
Joseph Jubelag