Isang dao tree sa Danglas, Abra, ang tinaguriang pinakamalaking puno sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa Department of Tourism (DOT) – CAR, natagpuan ang pinakamalalaking coniferous at broadleaved trees sa pamamagitan ng Search for the Biggest Trees na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-CAR.

“Of the broadleaved species entries, the biggest were found in Danglas, Abra. A dao tree was found the biggest,” saad ng DOT-CAR.

Matatagpuan umano ang nasabing dao tree sa Mt. Sedir sa Nagaparan, Danglas, Abra.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon pa sa DOT-CAR, may taas ang puno na 35 metro habang ang circumference nito ay 2,000 sentimetro.

Binatay umano ang naging pagsukat sa diameter at breast height (DBH) na siyang talagang pamantayan sa pagsukat ng mga puno.

“See for yourself how massive it is! 🤩,” saad ng DOT-CAR.