Nakakagutom! Pitong pagkaing Pinoy ang napasama sa 100 Best Rated Pork Dishes sa buong mundo, ayon sa Taste Atlas, isang kilalang online food guide.

Sa inilabas na Facebook post ng Taste Atlas, kasama ang lechon, lechon kawali, bicol express, at sisig sa kanilang listahan ng ‘50 Best Rated Pork Dishes in the World’.

Ngunit sa kanilang full list na matatagpuan sa kanilang website, nakasama rin sa isang-daang pinakamasasarap na pork dishes ang binagoongan, inihaw na liempo, at crispy pata.

Ayon sa nasabing online food guide, naging top 17 ang lechon, top 22 ang lechon kawali at top 23 ang bicol express na kapwa nakakuha ng 4.4 scores.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging top 28 naman umano ang sisig matapos itong makatanggap ng 4.3 score.

Samantala, pagdating sa inilabas na full list ng 100 Best Soups in the World ng Taste Atlas sa kanilang website, naging top 52 ang binagoongan, top 53 ang inihaw na liempo, at top 57 ang crispy pata.

Kamakailan lamang ay napasama naman ang Pinoy foods na sinigang, bulalo, at tinolang manok sa listahan ng “50 Best Soups in the World” ng Taste Atlas.

BASAHIN: Sinigang, bulalo, tinolang manok, kasama sa ’50 Best Soups in the World’