PHNOM PENH, Cambodia– Tuloy pa ang paghakot ng medalya ng Pilipinas sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games matapos pagharian ni Filipino-American Eric Shaun Cray ang 400m hurdles nitong Huwebes.
Sapat na ang nairehistrong 50.03 seconds ni Cray upang matalo sinaNatthapon Dansungnoen (Thailand) at Calvin Quek (Singapore).
Ito na ang ikatlong gintong medalya ng bansa sa athletics matapos ang nahablot nina pole vaulterEJ Obiena at Janry Ubas (men's long jump).
Sa kabuuan, humablot na ng 27 gold medal ang Pilipinas na nasa ika-anim na puwesto.
Nangunguna sa gold medal tally ang Vietnam, Cambodia, Thailand, Indonesia, at Singapore.
Philippine News Agency