CABATUAN, Isabela -- Nagpatupad ng modular distance learning ang Cabatuan National High School matapos magpositibo sa Covid-19 ang 11 estudyante at dalawang guro nito.

Tatagal ang implementasyon ng modular distance learning mula Mayo 11 hanggang Mayo 17.

Nag-isyu rin ang lokal na pamahalaan ng Executive Order 7 na nagsususpinde ng face-to-face classes sa paaralan upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Inaalam na ngayon ng awtoridad ang mga close contact ng mga nagpositibo sa virus. 

Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Hinihikayat ang mga mag-aaral na sundin ang minimum health standards laban sa Covid.

Ang mga guro at non-teaching staff naman ay patuloy na magrereport sa paaralan upang i-monitor ang distance learning.

Patuloy namang pagdidisinfect sa lahat silid-aralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga gurong naka-duty sa paaralan.