Isinusulong na sa Kamara ang panukalang batas na gawing ₱64,000 ang paunang suweldo ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno.

Ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan, dapat nang pagtuunan nang pansin ng mga mambabatas ang House Bill 5276 dahil apurahan na ang nasabing usapin.

Itinaon ang panawagan sa pagdiriwang ng International Nurses Day ngayong Mayo 12.

Idinahilan ng mambabatas ang kabayanihan ng mga nurse sa pagtugon sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) na nagsimula noong 2020.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“We have to improve the compensation and benefits of public physicians, nurses, medical technologists, midwives, and other health professionals if we want to discourage them from leaving for greener pastures abroad,” panawagan pa ni Libanan.