Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang pamahalaan ng Timor-Leste matapos nitong ibasura ang aplikasyon ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr. para sa political asylum doon.

Matatandaang inanusyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) kamakailan na ibinasura nga Timor Leste ang hiling ni Teves na naiulat na nasa lungsod ng Dili sa naturang bansa.

BASAHIN: Hiling na ‘political asylum’ ni Teves, ibinasura ng Timor Leste – DFA

Sa panayam ng Manila-based reporters nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 10, sa 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia, sinabi ni Romualdez na tama at maayos ang ginawa ng Timor-Leste.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“They are on solid ground," ani Romualdez. "Obviously it has come to the knowledge of the government of Timor-Leste that there are indeed pending charges and more allegations.”

Isa si Teves sa mga tiningnan ng DOJ na mastermind sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Umalis siya ng Pilipinas noong Pebrero 28 para umano sa stem cell treatment sa United States, at inaasahang bumalik noong Marso 9 dahil sa pagkapaso ng travel clearance nito na inisyu ng Kamara.

Ngunit hanggang ngayon ay tumatanggi itong umuwi ng Pilipinas dahil umano sa banta sa kaniyang buhay.