Tinambakan ng Philippine women's basketball team ang Singapore, 94-63, sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games sa Morodok Elephant Hall 2 in Phnom Penh, Cambodia, nitong Huwebes.

Sa unang bugso ng laban, pitong puntos ang bentahe ng Gilas, 45-38.

Nagtuloy-tuloy na ang abante ng Gilas na umabot pa sa 33 puntos, 94-61, sa papaupos na oras.

Pinamunuan ni Khate Castro ang Gilas sa nagawang 14 puntos, habang nag-ambag naman ng tig-11 puntos sina Afril Bernardino at Ella Fajardo.

Tumulong din sa panalo ng koponan si Clare Saquing Castro na bumomba ng 10 puntos.

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

Pinangunahan naman ni Amanda Zhiyan ang Singapore sa nakubrang 18 puntos, dagdag pa ang 13 markers nii Chu Yin Chan.

Hawak na ng Gilas ang 2-0 record.

Makakasagupa pa ng Gilas ang wala pang talong Indonesia sa Biyernes dakong 2:00 ng hapon (oras sa Pilipinas).